^

Police Metro

Suspek sa pagpatay sa Cainta deputy police chief, tiklo

Lordeth Bonilla, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad kahapon sa Taguig City ang isa sa mga suspek na itinuturong na­kabaril at nakapatay sa deputy chief ng Cainta Municipal Police Station na si P/Senior Inspector Jimmy Senosin noong Pebrero 11.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Ruben Pag­linawan, alias Tae, 41, nakatira sa Ri­verside, Cainta, Rizal na may patong sa ulo na P100,000.00.

Batay sa ulat, alas-5:20 ng umaga nang madakip ng mga kagawad ng Police Community Precint (PCP) 4 si Pag­linawan sa Brgy. Central Signal ng dahil sa kasong paglabag sa BP 6 at alarm scandal matapos itong ireklamo ng mga residente sa panggugulo nito sa lugar.

Nang respondehan ng mga pulis, naaktuhan nila ang suspek na armado ng kutsilyo at nanggugulo kaya’t kaagad nila itong dinakip.

Sa ginawang pagtatanong ng mga pulis sa suspek ay napag-alaman na sangkot ito sa pamamaril at pagpatay sa nasabing police official.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with