^

Police Metro

Pulis, lover niratrat sa motel

Joy Cantos - Pang-masa
Pulis, lover niratrat sa motel

Nakuha ng mga otoridad ang mga basyo ng bala sa sasakyan ng mga biktima matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek sa loob ng isang motel sa Pasig City. PIO-Pasig

Post Valentine date ambush...

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang pulis habang kritikal ang lover nito matapos na sila ay pagbabarilin habang lulan ng sasakyan sa loob ng isang motel kamakalawa ng gabi sa Brgy. Oranbo, Pasig City.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si SPO2 Ernesto Sanchez, 53, nakatalaga sa Southern Police District-Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Lawton Avenue, Taguig City.

Nasa kritikal na kalagayan sa Pasig City Medical Center ang babaeng ka-date ni SPO2 Sanchez na si Josebel Polo, 20, residente ng Marinela Street., Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mga biktima dakong alas-11:20 ng gabi sa loob ng  bisinidad ng Country Lodge Hotel na matatagpuan sa Danny Floro Street., ay sakay ang mga ito ng kulay puting Toyota Fortuner (BEJ-975) para sa kanila sanang post-Valentine date.

Nang biglang sumulpot ang isang kulay itim na Toyota Revo (XAY-567) na sinasakyan ng dalawang lalaki na armado ng armalite rifle at shotgun ay pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan.

Nang maisagawa ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek na  sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid.

Sinisilip ang motibo ng pamamaril kung tungkol sa trabaho ng pulis o love triangle.

vuukle comment

DEAD

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with