^

Police Metro

Congw.Garcia, sinibak ng ombudsman

Angie dela Cruz at Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct ay sinibak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Cebu Governor at ngayo’y 3rd District Representative Gwendolyn Garcia.

Hindi na rin pinapayagan ng Ombudsman na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Garcia, kanselado ang eligibility  at retirement benefits at inatasan na ni  Ombudsman  Morales  si House Speaker Pantaleon Alavarez na ipatupad ang kanyang kautusan laban kay Garcia.

Sa rekord noong Hunyo 11, 2008, binili ni Garcia ang kontrobersyal na ari-arian ng Balili, isang 249,246 square meter lot na matatagpuan sa Tinaan, Naga, Cebu na nagkakahalagang  P98,926,800.00. 

Napag-alaman ng mga lokal na otoridad na ang 196,696 metro kwadrado ng ari-arian ay nasa ilalim ng tubig at bahagi ng isang bakawan.

Noong Abril 2012, ang lokal na pamahalaan ay nagsagawa ng public bidding dito at ang proyekto ay iginawad sa Supreme ABF Construction  at nabayaran ng P24,468,927.66  para sa kontrata sa proyekto.

Natuklasan ng Ombudsman na walang otoridad si Garcia mula sa Sanguniang Panlalawigan (SP) nang pumasok siya sa kontrata sa ABF Construction.

Ayon pa  sa Ombudsman na nilabag ni Garcia ang section 46 at 47 ng  Administrative Code of 1987 at Section 86 ng Government Auditing Code ng Pilipinas na nagbabawal sa pagpasok sa isang kontrata  ng isang public official tulad ng ginawa sa naturang proyekto.

Samantala, ipinapaubaya ni Garcia sa liderato ng Kamara ang pasya kung ipapatupad ang dismissal order ng office of the Ombudsman laban sa kanya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with