Noy, Abad ipakukulong
Kapag inisnab ang hearing sa Dengvaxia...
MANILA, Philippines — Kapag inisnab umano nina dating pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad ang pagdinig ng Kamara sa kontrobersiyal na Dengvaxia sa susunod na linggo ay mapipilitan na ipakulong ang mga ito.
Ito ang naging banta ni Surigao Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Maaaring sapitin din ng dalawang dating opisyal ang dinanas ng tinaguriang Ilocos 6 kung hindi makikipagtulungan sa kanilang imbitasyon.
Mayroon umanong kapangyarihan ang Kamara sa ilalim ng batas na magpaaresto at magpakulong ng isang indibidwal kapag ang mga ito ay nai-cite for contempt.
Matapos umano ang susunod nilang pagdinig, maari na silang maglabas ng resulta ng isinagawang imbestigasyon in aid of legislation ang kanyang komite at ang House Committee on Health.
- Latest