^

Police Metro

1 sundalo itutumba kada araw

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pang-masa
1 sundalo itutumba kada araw

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magpapasindak ang gobyernong Duterte sa banta ni Sison na paiigtingin nila ang opensiba laban sa militar hanggang hindi bumabalik ang gobyerno sa peace talks. Presidential Photos

Banta ni Joma...

MANILA, Philippines — Walang bago sa mga banta ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na magsasagawa nang ambush araw-araw laban sa militar na kung saan isang sundalo kada araw ang itutumba.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magpapasindak ang gobyernong Duterte sa banta ni Sison na paiigtingin nila ang opensiba laban sa militar hanggang hindi bumabalik ang gobyerno sa peace talks.

“Wala namang bago sa mga banta ni Joma Sison sa gobyerno at kailanman ay hindi magpapasindak ang pamahalaan sa communist group. Go ahead. Make all the threats you want,” hamon ni Roque.

Binigyang-diin pa ni Roque, ang NPA mismo ang lumabag sa karapatan ng mga Lumad sa Mindanao kung saan ay tinatakot nila ang mga ito upang pumanig sa kanila at lumaban sa gobyerno.

“NPAs are the ones violating the rights of Lumads. The President is not forcing them out of their land,” dagdag pa ni Roque.

Nilinaw din ng Malacañang na kung ayaw ng mga Lumads na magkaroon ng foreign investors sa kanilang lupain ay puwede nila itong tutulan.

Naniniwala rin ang Palasyo na kapag ipinilit ng oposisyon na patalsikin si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng people power ay baka magulat sila at ang taumbayan mismo ang magalit sa kanila dahil na rin sa mataas na pagtitiwala ng taumbayan kay Pangulong Duterte.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with