CHED chief nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Pinagbitiw ng Malacañang sa puwesto si Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia Licuanan.
Ito ang inihayag ni Licuanan sa flag ceremony kahapon matapos makatanggap ng tawag mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong nakalipas na linggo at hinihiling ang kanyang pagbibitiw.
“Over the weekend I received a call for Executive Secretary Salvador Medialdea asking me to resign as chairperson of the Commission on Higher Education.While my term by law ends in July 2018, I have decided it is time to go. It has become obvious there are persons determined to get me out of CHED by hurling false and baseless accusations against me in what appears to be a fishing expedition and a well orchestrated move in media,”wika ni Licuanan.
Pinasinungalingan ni Licuanan ang akusasyon sa kanya ng excessive travel ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Representative Jericho Nograles at dinepensa na ang kanyang mga biyahe ay isang malaking pagkakataon para lalong bumuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Si Licuanan ay itinalaga sa CHED noong 2010 at muli noong 2014 at nakatakdang magtapos ng kanyang second four year term bilang Chairperson sa Hulyo 20 taong kasalukuyan.-Angie dela Cruz, Mer Layson, Rudy Andal-
- Latest