^

Police Metro

Jeepney modernization ipapatupad muna sa Metro Manila

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na sa Metro Manila  muna ipapatupad ang PUV Modernization Program kabilang dito ang Taguig, Pateros at ang ruta ng shuttle patungo ng Senado.

Gagamitin dito sa Metro Manila ang tinatawag na category 2 at 3 ng modernong jeep na akma para sa lubak-lubak na mga lansa­ngan sa mga lalawigan.

Nilinaw naman ni Delgra na hindi lamang li­mitado sa iilang car manufacturer ang pagsu-supply ng mga makabagong jeep dahil maaari naman umanong pumasok dito ang kahit aling kumpanya ng sasakyan basta may kakayahan na tumugon sa requirement ng modern jeepney.

Samantala, nakiusap naman ang iba’t ibang transport group tulad nina George San Mateo ng PISTON, Efren de Luna  ng ACTO, Zeny Maranan ng FEJODAP, Boy Vargas ng ALTODAP at Joseph Abeleda ng L-TOP sa LTFRB na itigil muna ang implementasyon ng PUV mo­dernization dahil mara­ming bagay silang hindi naiintindihan.

Mabigat din umano ang plano na pagsama-samahin sa fleet ang mga pampasaherong jeep dahil kawawa dito ang indibidwal na operator.

Marami din anyang nakakatakot na aspeto ang programa dahil may balita na susuwelduhan na lamang dito ng P500 kada araw ang mga tsuper at pamimiliin pa sila kung ano ang gagamiting fuel, kung solar, euro o kuryente.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with