^

Police Metro

88% pinoys aprub sa drug war-survey

Rudy Andal, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Todo suporta ang mayorya ng Pinoy sa drug war ng gobyerno sa kabila ng pag-iingay ng mga kritiko.

Ito ang lumabas sa latest survey ng Pulse Asia na isinagawa mula September 24-30 at  lumitaw na 88 percent ng mga Pilipino ay patuloy ang pagsuporta sa drug war ng Duterte government samantalang 2 percent lamang ang ayaw.

Sa nasabing survey sa 3rd quarter ay naniniwala din ang 73 percent ng respondents na nangyari ang extra judicial killing (EJK) habang ipinapatupad ang drug war habang 20 percent naman ng mga Pinoy ang hindi naniniwala na may naganap na EJK sa nasabing ­operasyon.

Karamihan ng mga Pinoy ay naniniwala na nangyari ang EJK sa Metro Manila (78 %) at 75 percent naman sa Luzon habang 68 percent at 67 percent naman sa Visayas at Mindanao.

Ayon naman kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, patunay lamang ito na dapat tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampan­ya laban sa illegal drugs.

Magugunita na nakakuha ng 82 percent na approval at trust ratings si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia taliwas sa resulta ng Social Weather Station (SWS) kung saan ay bumagsak sa 48 percent ang trust at satisfaction ratings nito.

Kamakailan ay iniutos ni Pangulong Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pangunahan ang drug war matapos alisin na ito sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.

Pero inamin mismo ng Pangulong Duterte na duda siyang maipapanalo ng PDEA ang anti-drug war ng gobyerno at naniniwala na ang human rights ang mananalo sa laban dahil hindi kasali ang PNP at AFP na inaakusahan sa extra-judicial killings.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with