^

Police Metro

Lola na klerk ng LTO inutas ng tandem

Mer Layson - Pang-masa
Lola na klerk ng LTO inutas ng tandem

Napatay noon din ang isang 63-anyos na lola na empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos barilin nang malapitan ng dalawang beses sa ulo ng hindi pa natutukoy na riding-in-tandem sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi. File

Hindi umabot sa Grandparents Day ngayon..

MANILA, Philippines — Napatay noon din ang isang 63-anyos na lola na empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos barilin nang malapitan ng dalawang beses sa ulo ng hindi pa natutukoy na riding-in-tandem sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang biktima na si Lydia Villa,  nakatalaga sa Office of the Transport Cooperative ng LTO at nakatira sa 056-IBP Rd. ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Elario Wanawan, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima habang kasama nito ang kanyang apo at naghihintay na maluto ang biniling barbecue sa kanto ng Katipunan St. at IBP Rd.

Biglang sumulpot ang mga salarin at bumaba ang back rider at mabilis na pinaputukan nang malapitan ang biktima sa ulo gamit ang isang kalibre .45.

Tinutukan rin ng suspek ang apo ng biktima ngunit hindi naituloy ang pagbaril dito dahil sa nabulabog ito sa sigaw ng isang nakasaksing bystander at sa halip ay muli na lang binaril sa ulo ang biktima bago muling sumakay ng motorsiklo upang tumakas.

Mabilis namang isinugod ng mga saksi ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival.       

Narekober sa crime scene ang dalawang bas­yo ng bala ng kalibre. 45 baril. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mo­tibo ng pamamaslang at ang mga nasa likod nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with