^

Police Metro

Du30: ‘Political ISIS’ si Trillanes

Rudy Andal - Pang-masa
Du30: �Political ISIS� si Trillanes

Matapos na kaladkarin ang miyembro ng pamilya Duterte sa kontrobersiya ay tinawag na “political ISIS” ni Pangulong Rodrigo Duterte si opposition Sen. Antonio Trillanes IV. Trillanes/Duterte staff/Released, File

MANILA, Philippines — Matapos na kaladkarin ang miyembro ng pamilya Duterte sa kontrobersiya ay tinawag na “political ISIS” ni Pangulong Rodrigo Duterte si opposition Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito ay dahil sa patuloy nitong alegasyon kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at son-in-law na si Manases Carpio na wala namang matibay na ebidensiya.

Sinabi ni Duterte sa publiko na dapat patawarin na lamang si Trillanes dahil isa itong mangmang at ignorante.

“He does not have talent. He does not even know the difference bet­ween the Democratic Party and Political Party. Si Trillanes ‘yung political ISIS eh. Walang alam, basta bira nang bira, akala niya tama siya,” wika ng pangulo.

Maalalang pilit na idinadawit ng senador ang Davao City Vice Mayor at si Manases Carpio na sangkot umano sa smuggling sa Bureau of Customs (BoC).

Nais din ni Trillanes na imbitahan ang na­kababatang Duterte sa Se­nate inquiry pero mariin naman itong tinutulan ni Senator Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon committee dahil pawang “hearsay” lamang ang mga alegasyon ni Trillanes sa anak ng pangulo.

Maalalang anim na beses nang isinagawa ng Senado ang imbestigasyon dahil sa pagpasok sa bansa ng P6.4-billion shabu shipment mula China na nasabat ng BoC sa Valenzuela City.

Samantala, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Vice Mayor Duterte na mas maganda umano na dumalo ito sa pagdinig ng Senado at pinayuhan din na kung dadalo ay huwag nitong sasagutin ang mga tanong mula kay Trillanes lalo pa at malinaw na paninira lamang umano ang ginawa ng senador.

Dagdag pa ng Pa­ngulo, parang nasa isang “fishing expedition” si Trillanes at kung may gusto itong malaman, mas maganda umanong tanungin nito ang mga kasamahan ng kanyang inimbestigahan at hindi pagbabasehan sa kung ano man ang isasagot ng mga isinalang sa pagdinig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with