^

Police Metro

Pumaren, 2 pa kinasuhan ng tax evasion

Doris Franche-Borja at Angie Dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng reklamong tax evasion sa Department of Justice ang tatlong kumpanya kabilang ang retailing company na pag-aari ng dating PBA basketball player na si Franz Pumaren.

Kasama sa mga ipinagharap ng reklamo ang retailing company na All Best Chodvale Development Company at ang presidente nito na si Pumaren dahil sa tax liability na hindi nito nabayaran noong 2009 na nagkakahalaga ng P20.4 milyon.

Kinasuhan din ng BIR ng tax evasion ang restoran na Bistro Italiano sa Libis, Quezon City at ang presidente nito na si William Stelton at treasurer na si Lawrence Ong dahil sa tax liability noong 2007 na aabot sa P4.2 milyon.

Hinahabol din ng BIR ang Cebu Fiesta Island of the South Restaurant Corporation na nasa Cubao, Quezon City at ang presidente nito na si Dennis Tia dahil sa tax liability noong 2008 na aabot sa P7.9 milyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with