^

Police Metro

Bulgarian atm hacker todas sa tandem

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang Bulgarian national na sangkot sa serye ng ATM fraud matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Kalayaan Avenue kanto ng Kamias Street, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Orlin Grozdanov Stoev, 38, residente ng Unit 1003 Willshire, Annapolis, Greenhills, San Juan City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:20 ng gabi sa tabi ng isang burger store na matatagpuan sa Kalayaan Ave­nue sa kanto ng Kamias Street ng lungsod ay kinuha ng biktima ang kanyang motorsiklo na naka-impound sa QCPD Station 11 noong nakalipas na buwan matapos na maaresto sa paglalagay ng skimming device para magnakaw ng pera sa ATM machine at nakalaya din ito matapos na makapagpiyansa ng P20,000.

Nabatid din na si Stoev ay dating nakakulong sa Bulacan dahil sa ATM skimming at nasamsaman ng 55 ATM cards noong May 2017.

Isang alyas Benedict, 53  ng Brgy. Sta Monica, Novaliches, Quezon City ang nagsabi sa pulisya na pagkaalis ng biktima sa police station sakay ng kanyang Honda Click motorcycle na walang plaka ay nakita niyang sinundan ito ng nakamotor ng mga suspek.

Gayunman, pagsapit sa lugar ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga salarin na kapwa nakasuot ng bonnet at magkaangkas sa kulay dilaw na Yamaha Mio na hindi naplakahan.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect patungo sa direksyon ng Kamias Road.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with