^

Police Metro

Pulis timbog sa P.2-m shabu

Mer Layson at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Teresa Municipal Police Station sa lalawigan ng Rizal ang ina­resto ng mga kabaro dahil sa pagbebenta ng shabu kamakalawa ng madaling araw.

Ang suspek ay kinila­lang si PO1 Fernan Manimbo, 33, nakatalaga sa DEU ng Teresa Municipal Police Station at residente ng Barangay Bravo, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Senior Supt. Albert Ocon, director ng Rizal Police Office, bagamat nakatalaga si PO1 Manimbo sa DEU ay kabilang din ito sa high-value targets ng Rizal kaya’t pinatiktikan ang kanyang kilos. Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga otoridad na may transaksyon sa shabu ang suspek sa Barangay Bagumbayan sa Teresa, kaya’t kaagad itong sinundan at inaresto nang maaktuhang nagbabagsak ng may 20 plastic sachet ng shabu, na may timbang na 100 gramo na nagkakahalaga ng P200,000, dakong ala-1:00 ng madaling araw kamakalawa sa isang Jojo Paniel, alyas ‘Tiyo.’

Bigo naman ang mga pulis na maaresto si ‘Tiyo’ nang makatakas sakay ng isang puting kotse.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si PO1 Manimbo.

Samantala, agad din sinibak kahapon sa  puwesto   ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Ge­neral Ronald “Bato” dela Rosa ang hepe ng Teresa, Rizal na si Chief Inspector Richard Ganalon dahilan sa isyu ng command responsibility  at sinermunan ang nasakoteng si PO1 Manimbo sa kanyang selda.

Agad namang iniutos ni Dela Rosa sa PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na umpisahan na ang proseso ng summary dismissal para mapatalsik na serbisyo si PO1 Manimbo sa loob ng isang buwan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with