5 sangkot sa droga napatay
MANILA, Philippines - Limang katao na umano ay sangkot sa ilegal na droga ang napatay kabilang ang dalawa na nanlaban sa mga pulis sa magkakahiwalay na insidente sa Metro Manila at Laguna.
Napatay sa Caloocan City ang drug suspek na si Eric Ducusin, 42 ng La Forteza Subdivision, Brgy. 175, Camarin nang harangin at barilin sa ulo ng isang lalaki na nakamotorsiklo kahapon ng alas-8:40 ng umaga.
Ang biktima ay kabilang sa drug watchlist ng kanilang barangay na una na ring binaril noong Marso, subalit nakaligtas sa kamatayan.
Dead-on-the-spot ang dating miyembro ng Philippine Army na umano’y isang “drug pusher” na si ex-Cpl. Ronald Alvarez, 38 nang pagbabarilin ito ng isang alyas Alex Mambo lalaki kahapon ng ala-1:15 ng madaling araw sa kanto ng Tawi-Tawi at Cagayan De Oro St., Taguig City habang ito ay naglalakad.
Niratrat at napatay sa Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna ang biktima na si Gerald Bartolazo, 35, no. 1 sa drug watch list ng pulisya sa naturang siyudad ng hindi pa kilalang suspek habang ito ay nakikipag-inuman bandang alas-9:30 ng gabi sa Jasmine St.
Tumakas ang mga salarin lulan ng Toyota Innova at isang backup na motorsiklo.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang umano’y dalawang drug pusher na sina Cyrus Marfil, alyas Nognog, 33, at Marlon Rapa, 24, at kapwa taga no. 828 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila matapos tangkaing manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3, na aaresto sana sa kanila dakong alas-6:20 ng gabi sa isang buy bust operation sa isang eskinita sa may Oroquieta St. malapit sa Doroteo Jose St.
- Latest