^

Police Metro

7.2 Magnitude na lindol tumama sa Sarangani, Davao Occidental

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Sarangai, Davao Occidental at iba pang lugar sa Mindanao na ikinasugat ng tatlo katao habang napinsala naman ang maraming mga gusali at pribadong istraktura nitong Sabado ng madaling araw, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa ulat, kinilala ni Dr. Agripino Dacera Jr., Chief ng General Santos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)  ang mga nasugatan na sina Edilberto Corporal, 53 anyos; Beverly Dala, 16 at  Leopoldo Ramolo, 56 ; mga residente ng bayan ng Glan na isinugod na sa Glan Medicare Community Hospital para malapatan ng lunas.

Sinabi naman ni Supt. Romeo Galgo, Spokesman ng Central Mindanao Police, napaulat na napinsala ang mga gusali at mga pribadong istraktura sa Sarangani na nagtamo ng mga bitak bunga ng malakas na lindol.

Kabilang dito ay ang gusali ng Public Ports Authority sa Glan , Sarangani kung saan bukod sa bitak ay lumubog pa ito ng tinatayang 3-6 inches mula sa original nitong puwesto, Glan Community Medicare Hospital, Municipal Police Station ng Glan, pamilihang bayan; Pepsi Marketing sa Legaspi compound sa Brgy. Calabanit, Glan kung saan gumuho ang stock pile ng softdrinks at napinsala rin ang kanilang mga delivery van at iba pa.

Sa General Santos City, napinsala ang isang lumang gusali sa kahabaan ng Santiago Boulevard ng lungsod  habang nagtamo rin ng bahagyang pinsala ang City Hall ng lungsod partikular na ang entrance at exit dito.

Samantalang bagaman nauna nang nagpalabas ng tsunami advisory ang Phivolcs  matapos na magkaroon ng malalaking alon sa karagatan sanhi ng lindol, inihayag naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na kinansela na ito matapos ang ilang oras.

Sa report ng Phivolcs ang lindol ay tectonic ang origin na nasa  7.2 intensity na yumanig sa Sarangani, Davao Occidental bandang alas-4:23 ng madaling araw at naramdaman rin sa iba pang mga lugar sa Mindanao.

Naitala naman ang Intensity V sa General Santos City; Koronadal City; Santa Maria, Jose Abad Santos, Don Marcelino, Balot Island, Davao Occidental; Polomolok, Tupi, South Cotabato; Alabel, Malapatan, Glan, Sarangani at  maging sa Palimbang, Sultan Kudarat. Samantalang naramdaman rin ang malakas na lindol sa Davao City, Cotabato City, Zamboanga City na nasa Intensity IV; samantalang intensity III naman sa Cagayan de Oro City at Intensity II sa lungsod ng Kidapawan.    

MAGNITUDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with