^

Police Metro

3 Kumpanya ni-raid ng NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sinunog ng tinatayang nasa 80 mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga heavy equipments na nasa milyong halaga matapos salakayin ang Lapanday Foods Corporation at dalawang iba pa sa magkakahiwalay na raid sa lungsod ng Davao nitong Sabado ng mada­ling araw.

Base sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, bandang alas- 3:30 ng madaling araw ng unang umatake sa Lapanday Foods Corporation ang mga rebeldeng mi­yembro ng Pulang Bagani Command  sa Brgy. Mandug ng lungsod.

 Ayon sa pulisya, agad pinuntirya ng mga rebelde ang guard house at barracks sa fruit company, dinisarmahan ang mga guwardiya saka sinunog ang mga heavy equipments dito.

 Base pa sa report isinunod namang salakayin ng NPA rebels ang Macondray Plastic Plant sa Brgy. Bunawan kung saan dinisarmahan rin ang mga security guards dito at isinunod ang Lorenzo  Ranch sa Brgy. Pangyan, Calinan District ng lungsod.

 Samantalang habang nagreresponde naman sa Brgy. Mandug ang mga elemento ng Task Force Davao ay sumabog ang landmine  na ikinasugat ng isang vendor na kasunod ng convoy ng militar at pulisya sa lugar. Nabatid pa na pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng NPA rebels .  

 

NPA REBELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with