^

Police Metro

3 minasaker sa Mandaluyong

Joy Cantos - Pang-masa
3 minasaker sa Mandaluyong
Sa imbestigasyon, sinabi ni Sapitula na pinasok ng apat na hindi nakilalang mga suspect na pawang nakasuot ng bonnet ang bahay ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.
File

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakikilalang mga armadong kalalakihan ang tatlo katao kabilang ang isang mi­yembro ng Bantay Bayan at dalawa nitong kamag-anak  sa Mandaluyong City kamakalawa.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, bandang alas-4 ng hapon kamakalawa nang pasukin ng hindi pa nakilalang mga armadong suspect ang tahanan  ng isang pamilya sa Brgy. Malamig ng lungsod.

Agad na pinagbabaril ng mga armadong suspect ang mga biktimang sina Chito Jomaquio, 45, miyembro ng Bantay Bayan sa Brgy. Malamig; hipag nitong si Rosalinda Jomaquio, 45 at pamangking si John Carlo Jomaquio, 24; pawang naninirahan sa  Barangka Drive, Brgy. Malamig ng lungsod.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Sapitula na pinasok ng apat na hindi nakilalang mga suspect na pawang  nakasuot ng bonnet ang bahay ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Lawrence Punzalan, imbestigador sa kaso sina Chito at John Carlo ay nasa may sala ng bahay nang pagbabarilin ng mga suspek habang si Rosalinda ay naliligo naman sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan ng pasukin ng mga armadong suspect kung saan ito ay pinadapa pa saka pinagbabaril.

Ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero idineklara na ang mga itong dead on arrival sa Mandaluyong City Medical Center.

Narekober naman ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ang pitong mga basyo ng baril na ginamit sa krimen.

Sinabi ni Sapitula, isa sa mga sinisilip na motibo sa krimen ay ang anggulo ng illegal na droga dahilan sina Chito at Rosalinda Jomaquio ay mga dating nakatala sa drug watch list ng Mandaluyong City Police.

Samantala, sa isa pang insidente, dakong alas-12:15 naman ng madaling araw nitong Biyernes nang pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay  si Victor Tiozon, 45, sa Block 25, Welfare Ville, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa mga residente sa lugar, nakarinig sila ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril ang kanilang narinig pero hindi nakilala ang mga salarin.

 Sa tala, ang biktima ay dati ng nakulong dahilan sa pagbebenta ng illegal na droga at kabilang sa sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP. Narekober naman sa crime scene ang apat na plastic sachet na may latak pa ng shabu.

ROMULO SAPITULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with