^

Police Metro

Adik na police colonel, nakalaya

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Matapos na payagang magpiyansa ng korte, pinalaya pansamantala si Police Supt. Lito Cabamongan ang opisyal na nahuli sa pot session sa Las Piñas City  noong nakalipas na buwan ng Marso.

Si Cabamongan, 50 ay pinayagan ni Judge Lorna Domingo, ng Las Piñas City RTC, Branch 201 na makapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P240,000, kung kaya’t  Biyernes ng hapon ay pinalaya rin ito dahilan isang bailable offense ang kasong kinakaharap nito.

Nabatid, na si Cabamongan ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 12 at 15 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).

Ang opisyal ay inaresto ng mga kagawad ng Las Piñas City Police kasama ang isang Nedy Sabdao, 44  habang naaktuhan ang mga itong sumisinghot ng shabu sa  Block 16,  Lot 14, Everlasting Homes,  Brgy. Talon 4 ng naturang siyudad noong Marso 30 ng taong kasalukuyan.

Kaugnay nito, isasailalim muna sa kustodya ng PNP Holding Center sa Camp Crame si Cabamo­ngan kaugnay ng kinakaharap naman nitong kasong administratibo.  

POLICE COLONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with