Presyo ng petrolyo muling tumaas
MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng taas presyo ng kanilang produkto ang mga kompanya ng langis ngayong araw na ito ng Martes (Abril 18).
Ang oil price hike ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Flying V.
Ayon sa kanilang anunsyo, tumaas ng P0.65 kada litro sa diesel, P0.45 sa gasolina habang nasa P0.60 naman kada litro sa kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na magpapatupad din nang pagtaas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad din na halaga.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market ay bunsod ng maintenance shutdown ng oil refineries sa South Korea, Japan at China.
Huling nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis noong Abril 11 bago mag-Semana Santa.
- Latest