^

Police Metro

Dahil sa pamumugot sa kapitan ng fishing boat: AFP reresbak sa Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangako ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamilya ni Noel Besconde, ang kapitan ng fishing boat na hinostage at pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Semana Santa sa Patikul, Sulu na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng biktima sa pamamagitan ng isang ‘lethal blow’ sa grupo ng mga teroristang grupo.

Kasabay nito, kinondena ni AFP Chief of Staff  Eduardo  Año ang pamumugot ng ulo ng grupo ni Abu Sayyaf Sub-Commander  Sawadjaan sa  maysakit at mahinang bihag sa Patikul, Sulu.

Nabatid na nabigo ang pa­milya ni Besconde na magbayad ng P5-M ransom na hinihingi ng mga abductors nito kapalit ng kaniyang kalayaan. Sinasabing dahilan hindi naibigay ang ransom ay pinugutan ng ulo si Besconde nitong Huwebes Santo pero kamakalawa lamang isinapubliko ni  AFP Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana matapos itong makumpirma. Sinabi ni Año na hindi patitinag ang AFP at higit pang paiigtingin ang operasyon upang malipol ang nalalabi pang mga bandido.

Ayon kay Año, inatasan na niya si Sobejana para magsagawa ng search operations upang makuha ang pinugutang bangkay at ulo ni Besconde, maibalik ito sa kaniyang pamil­ya at mabigyan ng disenteng libing.

Magugunita na ang biktima ay kabilang sa apat na tripulante ng F/B Ramona na dinukot ng mga bandido sa  bahagi ng Celebes Sea noong Disyembre 2016.

SAYYAF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with