^

Police Metro

75K parak idineploy sa MM para sa Semana Santa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko kaugnay ng paggunita sa Semana Santa ay mahigit 75,000 pulis ang idineploy sa Metro Manila at iba pang mga urban centers sa bansa sa gitna na rin ng pagkakaaresto ng mga otoridad sa mag-asawang pinaghihinalaang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) terrorists na sina Hussein Azo Aldhafiri alyas Abu Muslim, 40 at misis nitong si  Rahaf Zina Dhafiri, 27, tinatayang 5-6 buwang buntis. 

Ang pagkakaaresto sa mga ito ay nitong Huwebes lamang inianunsyo ng mga otoridad matapos ang mga itong isailalim muna sa masusing interogasyon.

Partikular namang mahigpit na babantayan ay ang mga bus terminals, paliparan, daungan at iba pang matataong lugar na dinarayo tuwing Semana Santa at maging tuwing summer vacation.

Nilinaw ng PNP na simula pa noong magdeklara ng “state of lawlessness” si Pangulong Rodrigo Duterte ay pinaigting lamang nila ito kaugnay ng Semana Santa at mahabang bakasyon  at tatagal ang deployment hanggang Hunyo 13 matapos ang pagbubukas ng klase.

ABU MUSLIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with