2 holdaper dedo sa barilan
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Inilarawan ng pulisya ang unang suspek na nasa pagitan ng edad 40-45, may taas na 5’6”-5’7”, medium built ang katawan, nakasuot ng puting t-shirt at puting jersey shorts at may tattoo na Bahala na Gang sa kanang kamay habang ang ikalawa ay sa pagitan ng 30-35-anyos, may taas 5’5”-5’6”, nakasuot ng kulay gray na t-shirt at pulang pantalon.
Batay sa ulat, bago naganap ang barilan dakong alas-3:05 ng madaling araw sa panulukan ng Yuseco at Oroquieta Sts., Sta. Cruz ay nakatanggap ng tawag ang pulisya na may dalawang lalaki na armado ng baril na nangtangkang mangholdap.
Rumesponde ang mga tauhan ng Blumentritt Police Community Precinct (PCP) sa lugar, subalit nang mamataan sila ng dalawang suspek ay agad na nagpaputok.
Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan at napatay ang dalawang suspek na kung saan ay narekober ang dalawang kalibre 38 baril, tatlong plastic sachet ng shabu at isang sling bag na may lamang anim na iba’t ibang uri ng cellphone at isang tablet na pinaniniwalaang mga nakaw.
- Latest