^

Police Metro

Pasig River, magiging epektibo sa transportasyon-Goitia

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanumpa kamakalawa si PDP Laban San Juan City Council President Jose Antonio Goitia kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Executive Director ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) kasabay ng mga bagong itinalaga sa iba’t ibang posisyon.

Nangako si Goitia na susundin ang atas ni Duterte kaya lilinisin ang kanyang tanggapan sa korupsiyon para matupad ang bisyon at misyon ng PRRC na maibalik sa Class C ang kalidad ng tubig ng Pasig River na maaaring mabuhay ang mga isda at magamit ang ilog sa transportasyon na makatutulong malutas ang grabeng trapik sa Metro Manila.

Inatasan kamakalawa ni Goitia ang PRRC team sa pangunguna ni Deputy Director for Operations Gregorio Garcia na sinamahan ang ilang opisyal ng China Railways na interesadong mamuhunan sa Pasig River multimodal express kaya binaybay ang ilog mula sa Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila hanggang sa ferry station sa Guadalupe, Makati City.

“Sa river tour nga kahapon ng ating Chinese partners, natiyak nilang feasible ang multimodal express system sa Ilog Pasig dahil halos 20 minutes lang mula Maynila hanggang Makati,” wika ni Goitia.

Sinabi naman ng deputy commander ng Coast Guard Station Pasig na si Ensign Mizar Cumbe na magagamit talaga ang Pasig River dahil inatasan sila na bantayan ang anumang uri ng transportasyon roon at mandato nilang alalayan ang mga ahensiyang tulad ng PRRC para sa pambansang kaunlaran.

JOSE ANTONIO GOITIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with