^

Police Metro

DILG at DOT, suportado ang proyekto ng PRRC at LLDA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy na lumalawak ang suporta ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa plano ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) upang matupad ang multimodal express na light rail transportation at ferry boat system na babaybay  mula Pasig River hanggang sa Laguna de Bay.

Inatasan na ni Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang mga alkalde ng Metro Manila na tumulong upang maiwasang makapagtapon ng basura ang mga nakatira sa magkabilang gilid ng Pasig River.

Nakipag-ugnayan na rin si Department of Tourism-National Capitol Region (NCR) director Benjamin Santiago kina PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia at LLDA General Manager Jaime C. Medina para sumuporta sa planong muling pagbuhay sa makasaysayang ruta na ginamit ng sinaunang Pilipino mula Pasig River hanggang Laguna de Bay na inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng turismo sa NCR hanggang Southern Tagalog.

Nagpahayag din ng buong suporta si Quezon City Rep. Alfred Vargas III sa lahat ng plano, programa at adbokasiya ni Goitia para sa PRRC.

Nauna rito, nangako si Senate President Aquilino Pimentel III na pag-aaralan kung paano mapalalakas ang PRRC na nasa ilalim ng Office of the President ngayon.

“Masimulan lamang ang proyekto ng PRRC at LLDA na light rail transportation at ferry boat system mula Pasig hanggang Laguna de Bay ay napakahalaga na dahil ito ang tiyak lulutas sa malubhang trapik sa Metro Manila dahil magagamit ng may 15 milyong commuters mula sa NCR  hanggang sa Southern Tagalog,”  sabi ni Goitia na nakipag-usap kamakailan sa malalaking kompanya mula sa China.

“Kapag nasimulan ito, marami ang magkakaroon ng hanapbuhay na makatutulong sa pangunahing layunin ni Pangulong Duterte na makaigpaw sa kahirapan ang mayorya ng mamamayan.” pagwawakas ni Goitia.

LLDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with