^

Police Metro

Top Philracom officials, kinasuhan ng graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dahil sa pagkabigo umanong maipatigil ang online cockfighting o e-sabong sa  off-track betting (OTB) stations  na may ma­laking epekto sa horse racing industry ay kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ang matataas na opisyal ng Philippine Racing Commission(Philracom).

 Batay sa 14 pahinang reklamo ng Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) sa pangunguna ng founder  nitong si Leon E. Peralta, bigo sina Philracom Chairman Andrew Sanchez at  anim pang Commissioners  na protektahan ang horse racing industry na isang pag­labag sa Republic Act No. 3019 o  Graft and Corrupt Practices Act.

 Kapwa akusado ni  Sanchez sina Commissioners Bienvenido Niles Jr., Wilfredo De Ungria, Victor Tantoco, Jose Gutierrez Santillan Jr., Lyndon Noel Guce at Ramon Bagatsing Jr.

Nawawala anya sa pamahalaan ang may P350 milyong pondo na sana ay nakolektang buwis mula nang simulan ang operasyon ng e-sabong sa  OTBs  noong December 2015. “We are filing this complaint not only to help the government recover much-needed revenues but also to support President Duterte’s campaign against illegal gambling, because we believe that online sabong is illegal,”wika ni Peralta.

 

ANTI-TRAPO MOVEMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with