Aide ni ex-Sen. Bong, 12 pa sinibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Matapos mapatunayang guilty sa kasong misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service and dishonesty kaugnay sa pork scam ay pinasisibak ng Ombdusman sa posisyon ang aide ni dating Senator Bong Revilla at 12 iba pa.
Ang mga sinibak ay kinilalang sina Director III Richard Cambe, Dennis Cunanan (Director General, Technology Resources Center), Marivic Jover (chief Accountant, TRC), Consuelo Llisan Espiritu (Budget Officer, TRC) Gondelina Amata (President National Livelihood Development Corporation), Gregoria Buenaventura (NLDC), Emmanuel Alexis Sevidal (Development Officer IV NLDC), Chita Jalandoni (Director IV, NLDC), Ofelia Ordoñez (Chief Budget Specialist, NLDC), Evelyn Sucgang (NLDC), Victor Roman Cacal (General Services Supervisor, National Agribusiness Corporation), at Rhodora Mendoza (Administrative and Finance Head, NABCOR).
Kaakibat ng dismissal order ang kawalan ng pahintulot na humawak ng posisyon sa tanggapan ng gobyerno at forfeiture ng lahat nilang benepisyo.
Napatunayang mula 2006 hanggang 2010, si Revilla, bilang Senador ay patuloy na nag-endorse ng implementasyon ng kanyang PDAF para sa pondo ng livelihood at produksyon ng proyektong agrikultura sa iba’t ibang parte ng bansa sa kuwestiyunableng non-government organization (NGOs) ni Janet Lim Napoles.
- Latest