15 katao tiklo habang bumabatak ng shabu
MANILA, Philippines - Naaktuhan ng mga pulis ang 15 katao habang bumabatak ng shabu nang salakayin ng mga pulis ang kanilang lugar dahil lang sa ilegal na sugal na “fruit games” kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Raymond Gakad, 28; Richard Dela Cruz, 18; Karolus Cortez, 35; Aldrin Abot, 38; Jerico Tuazon, 33; Crisitina Crueldad, 36; Ian Timbol, 31; Allan Bayod, 35; Ryan Canaveral, 30; Noel Gejo, 42, Emerson Oraa, 34; Jomar Patobo 33; Emmanuel Enriquez, 27; Maria Analine Mendiano, 28; at Janifer Buendafe, 32.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng QCPD-Police Station 3 sa isang Old Building na matatagpuan sa Brgy. Talipapa, Quirino Avenue na sinalakay dahil sa ulat na may operasyon ng iligal na sugal na “fruit game”.
Pagpasok sa loob ay naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng pot session kaya’t inaresto ang mga ito.
Narekober sa lugar ang apat na unit ng fruit game machines, apat plastic sachet ng shabu, tatlong piraso ng sachet ng shabu residue, at drug paraphernalias.
- Latest