80 bahay nasunog sa Parañaque at QC
MANILA, Philippines - Nasa 80 kabahayan ang natupok sa naganap na sunog sa Parañaque at Quezon City kahapon.
Sa Parañaque City ay 60 kabahayan ang nasunog na kung saan ay nasa 150 pamilya ang nawalan ng matitirhan kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa ikatlong palapag ng bahay ni Dodong Masangkay sa Sitio Bagong Pag-Asa, Brgy. Sun Valley na mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa lamang sa kahoy ang mga bahay.
Tuluyan naapula ang apoy dakong ala-1:14 ng madaling matapos ideklarang fire-out ng mga kagawad ng pamatay sunog.
Nasa 20 bahay naman ang nilamon ng apoy sa sunog na naganap sa Barangay Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw.
Ang sunog ay naganap sa may bahagi ng Riverside partikular sa Lower Steve St. Brgy. Commonwealth dakong-alas 12:15 ng tanghali na mabilis kumalat dahil gawa lamang sa light materials at na-fireout dakong alas-3:15 ng madaling araw.-Lordeth Bonilla, Ricky Tulipat-
- Latest