2 warrant of arrest vs Kerwin inilabas
MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ng umaga ang dalawang warrant of arrest na pirmado ni Baybay RTC Branch 14 Presiding Judge Carlos Arguelles laban kay Kerwin Espinosa na umano ay big time drug lord sa Eastern Visayas.
Ang kopya ng nasabing warrant of arrest ay hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) na isinilbi ng kinatawan ng Leyte Norte Provincial Police Office ay para sa kasong murder.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Kerwin gayundin ng mga kapwa niya akusado na sina Jesus Tolin alyas Loloy at Brian Anthony Zaldivar alyas Tony Pet.
Nasa kustodiya ng NBI si Kerwin dahil siya ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program na itinuturing na mahalagang testigo sa pagtanggap umano ni Senador Leila de Lima ng drug money.
Ipinauubaya naman ng pulisya sa WPP ang pagpapasya kung paanong maisisilbi kay Kerwin ang warrant of arrest o kung paano ito maihaharap sa korte.
- Latest