Bagong laya pinatay
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 19-anyos na binatilyo na kalalaya lang sa kulungan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan na nakamotorsiklo kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Noel Maraya Jr., ng #12 Mars St., Arroville Sun Valley, Brgy. 198, Zone 20 ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril dakong alas-2:30 ng madaling araw ay naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at bumunot ng baril ang angkas at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.
Ayon sa pulisya na kalalaya lamang ng biktima sa kasong robbery/snatching at minsan na ding sumuko sa Tokhang.
- Latest