^

Police Metro

2 intsik, mag-asawa timbog sa P3-B shabu

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation at San Juan Police ang dalawang Chinese national at mag-asawang Pinoy sa isang drug bust o­peration at nasamsam ang nasa humigit kumulang sa P 3 bilyong halaga ng shabu sa San Juan, kahapon.

Hindi muna pinangalanan ang dalawang Chinese at mag-asawang Pinoy habang isinasailalim pa sa interogasyon.

Batay sa ulat, bandang alas-12:00 ng tanghali nang isagawa ang  operasyon malapit sa Club Filipino sa Greenhills ng lungsod at nasamsam ang nasa 100 bags na tumitimbang ng 6-10 kilo ng shabu sa isang residential area sa Mangga Street ng lungsod na ang isang kilo ng shabu ay nagkakahalaga ng P5-6 M kung high grade ang epektos kung saan tumaas ang presyo nito dahilan sa pinaigting na anti-drug campaign ng mga otoridad.

Nabatid na ang mag-asawang Pinoy ay hindi target ng operasyon, pero kasama ang mga ito sa inaresto matapos na maabutan ng mga operatiba sa lugar kung saan isinasagawa ang anti-drug operation.

 Narekober rin sa mga suspect ang dalawang behikulo, isang Honda CRV at isang kulay itim na Subaru Forester at hindi pa madeterminang cash kabilang ang P20,000 na ginamit sa drug bust operation.

Nakuha rin sa operasyon ang mga likido na gamit na sangkap sa pagmamanupaktura ng shabu.

WORLD WAR 2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with