Ex-Bb. Pilipinas beauty natimbog sa droga
MANILA, Philippines – Arestado ang isang dating Binibining Pilipinas titlist at isang babaeng suspected big-time drug pusher na nagmamantine ng isang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group sa Sampaloc, Manila kamakalawa.
Kinilala ni CIDG chief, Police Chief Insp. Wilfredo Sy, ang mga naaresto na sina Marife Garlit, 46, dalaga, dating Bb. Pilipinas candidate noong 1992 na nanalo bilang Miss Photogenic, dalaga at residente ng 1566 J.P. Laurel St., San Miguel, Manila, at Ma. Lovella Rival, 43, dalaga, ng 1721 Lardizabal Extension, Sampaloc, Manila, at pangatlo umano sa listahan ng mga drug suspects na tinutugis ng Manila CIDG. Dakong 2:30 ng hapon nang madakip ang mga suspek sa buy-bust operation na isinagawa sa 71C M Dela Fuente Street, sa Sampaloc, ng pinagsanib na pwersa ng Manila CIDG, Manila Police District (MPD)-District Special Operations Unit (DSOU) at District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU).
Sinabi ni Sy na si Rival ang siyang target ng operasyon dahil sa pagmamantine nito ng drug den. Nadamay namang naaresto si Garlit nang maaktuhang bumabatak ng illegal na droga sa drug den ni Rival. Nakumpiska mula kay Rival ang tatlong plastic sachet ng shabu at P500 marked money, habang nakuha naman mula kay Garlit ang isang aluminum foil na may shabu residue, improvised tooter, lighter with improvised burner, at dalawang pirasong plastic sachets ng shabu, na nakabukas na.
“Nagme-maintain si Lovella ng drug den, P10, pwede mo nang gamitin doon. May karatula siya dun. Medyo tago (ang lugar) dahil nasa may alley siya ng Dela Fuent. Pero sa ganyang mga lugar, mabilis namang magsisialis yan pag may bagong mukha. Shanty type siya.” ani Sy.
- Latest