181 ‘adik’ na pulis pinasisibak sa serbisyo
MANILA, Philippines - Nakatakda nang lagdaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang dismissal order para sa 181 pulis na napatunayang positibo sa paggamit ng illegal na droga matapos na makumpleto na ng Internal Affairs Service (IAS) ang imbestigasyon laban sa mga ito.
“Once I signed that (order) goodbye to the 181 and do not attempt to be reinstated because I will block your reinstatement…you are just giving headaches to the service…you will never be reinstated while I am alive,” pahayag ni Dela Rosa.
Ayon naman kay PNP Crime Laboratory Director P/Chief Supt. Aurelio Trampe mula sa 174 positibo sa droga ay nadagdagan pa ito at umabot na sa 181 pulis base sa confirmatory drug testing na kanilang isinagawa.
Inihayag ng opisyal na nasa 90% na ang naisasalang nila sa drug test mula sa kabuuang 160, 000 malakas na puwersa ng pulisya.
Hindi muna tinukoy ni Dela Rosa ang mga ranggo ng mga pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ng PNP kaugnay ng malawakang drug testing na isinasagawa ng PNP upang linisin ang mga scalawags sa kanilang hanay partikular na ang mga pulis na sangkot sa illegal drug trade.
- Latest