^

Police Metro

Dayan kinakanlong ng pulitiko

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na isang pulitiko mula sa Northern Luzon ang nagkakanlong at nagtatago sa dating driver at bodyguard ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan sa kabila ng mayroon itong subpoena at warrant of arrest na ipinalabas ng House Committee on Justice na huling nakita ng kanyang pamilya noong nakalipas na Hulyo.

“We were told that Ronnie Dayan is being protected by some high public officials in his home province of Pangasinan and other northern provinces up to Baguio.Diyan siya nagtatago, diyan siya nagpapa-lipat-lipat,” ayon kay Aguirre.

Ayon naman sa  kapatid na babae ni Dayan na hindi binanggit ang pangalan na alam nila ang umano’y naging relas­yon nito kay De Lima  dahil inamin umano ito sa kanila.

Kaya’t nanawagan ito na lumabas na  kung siya ay buhay pa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nababahala rin ang pamilya ni Dayan na maging mitsa ng buhay nito ang P1 milyon pabuya na kinalap ng Volunteers Against Crime and Corruptions (VACC) kapalit ng impormasyon para sa kanyang pagkaka aresto.

Sinabi naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Francis Lavin na mayroon na silang lead sa kinaroroonan ni Dayan.

Subalit, hindi umano niya maaaring idetalye sa mga Kongresista ang kanilang operational procedure at hawak na lead dahil ayaw nilang masunog  ang kanilang operasyon.

Sinabi pa ni Lavin na ayaw din nilang makompromiso ang kaligtasan ng kanilang impormante na tumutulong sa pagtunton kay Dayan.

Mayroon na rin umano silang teams na kumikilos sa iba’t ibang panig ng bansa para tuntunin ai Dayan, subalit sa tingin ni Lavin ay binabantayan din nito ang kanilang galaw.

JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with