Kotse sumalpok sa poste: 4 todas
MANILA, Philippines - Hindi nakarating sa dadaluhang birthday party ang apat na magkakaibigan matapos na masawi nang mag-overshoot ang kanilang sinasakyang kotse at sumalpok sa poste ng ilaw kamakalawa sa Forest Drive Village, Brgy. Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur.
Namatay noon din ang tatlong biktima na kinilalang sina Chris Paulo Oliva, may-ari at driver ng sasakyan; Venus Sandiga, at Dodong Lamila. Habang namatay sa ospital si Joel Bandola at nasugatan si Manuel Banmisola.
Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente dakong ala-1:30 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima ng Chevrolet at ihahatid lamang sana ni Oliva ang mga bisita sa birthday party nang maganap ang aksidente.
- Latest