Promos, ads ng telcos nakakaistorbo-Solon
MANILA, Philippines - Hiniling ni Quezon City Rep.Winston Castelo sa National Telecommunications Company (NTC) na pagsabahan ang mga telecommunications companies na itigil ang pagpapadala ng mga promotions, advertisement at commercials sa mga celphones.
Ayon kay Castelo, na nakakagulat at nakakaistorbo lalo na sa hatinggabi kapag tumunog ang cellphone subalit kapag binasa na ito ay commercial lamang o nagtitinda ng mga produkto.
Ang nasabing “obtrusive” messages umano ay pakana ng mga telecommunication companies.
Sa ilalim ng panukalang “mobile phone User’s Freedom Act” na inihain ng kongresista na dapat i-regulate ng NTC ang mga nasabing mensahe dahil nakakagulo lamang ang mga ito kahit na mula sa kilala o hindi kilalang sources na hindi naman hinihingi ng mga subscribers.
Ipinapanukala rin ni Castelo na bigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang NTC para epektibong mapigilan ang nasabing mga mensahe at papanagutin ang mga service provider kapag lumabag ang mga ito.
Pagmumultahin din ng halagang P2,000 o pagkansela sa prangkisa ang mapapatunayang lumabag sa panukala sa sandaling maisabatas ito.
Naniniwala naman si Castelo na milyong phone users na ang nabiktima ng mga survey, commercials at advertisements sa celphones na lubha na umanong naapektuhan ang buhay at personal na kalayaan.
- Latest