^

Police Metro

Lacson kinampihan ang PNP sa akusasyon na police brutality

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakuha ng kakampi ang buong Philippine National Police (PNP) sa pag-akusa sa kanila na isang institusyon ng police brutality sa katauhan ni Senador Ping Lacson.

Ayon kay Lacson na unfair na akusahan ang buong PNP  bilang isang institusyon ng police brutality dahil sa ginawang pagsagasa ng isang police mobile sa mga raliyesta sa harapan ng US embassy kamakalawa.

“I think it’s unfair to the Philippine National Police as an institution to be accused of police brutality,” ani Lacson.

Ipinagtanggol din ni Lascon ang driver ng police mobile at sinabing “judgement call” ang ginawa nito na posibleng nakaramdam ng takot kuyugin ng mga nagpo-protesta.

Idinagdag din ni Lacson na personal na desis­yon ng driver ng van ang ginawa nito kahit pa may pinaiiral na maximum tolerance o wala.

Kumalat sa social media ang video nang pananagasa ng isang pulis sa mga ralisyista.

SENADOR PING LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with