^

Police Metro

Valenzuela mayor kinasuhan sa Kentex fire

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kasong kriminal ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at ang may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation kaugnay sa pagkasunog ng factory ng tsinelas na ikinamatay ng may 74  manggagawa noong May 2015.

Kasama ring kinasuhan ang apat na opisyal ng Bureau of Fire Protection at dalawang opisyal ng Business Permits Division ng Municipal Government ng Valenzuela City.

Mga kasong graft, reckless imprudence resulting in multiple homecides at multiple physical injuries ang mga kasong isinampa laban sa kanila

Nakitaan ng Office of the Ombudsman ng sapat na basehan para iakyat ang kaso sa korte laban kay Gatchalian.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, lumalabas  na nabigyan ng business at fire safety permits ang Kentex sa kabila ng mga paglabag sa fire safety code.

 

VALENZUELA CITY MAYOR REX GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with