Karen naminsala ng P3 bilyon sa agrikultura
MANILA, Philippines - Tinatayang humigit kumulang na P3 bilyon ang pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong Karen sa Central Luzon, Southern Tagalog at Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa ulat ng mga opisyal kahapon.
Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Central Luzon Director Josefina Timoteo, nasa P2,141,402,135 bilyon ang napinsala sa agrikultura mula sa mga lalawigan ng Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Naitala naman sa 39 barangay sa mga apektadong lalawigan ang lubog pa rin sa baha na nakaapekto sa 17,157 pamilya o 80,458 katao ang naapektuhan at nasa 3,864 kabahayan ang nawasak at napinsala.
Pinakagrabeng naapektuhan ng bagyo sa Central Luzon ay ang lalawigan ng Aurora na nasira ang mga pangunahing kalsada. Nasa sampung kalsada naman sa Nueva Ecija at limang tulay sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija ang sarado sa trapiko.
Iniulat naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, naitala sa P572,840,531.31 ang pinsala ng bagyo sa agrikultura sa Region V at CAR.
Nabatid pa na apektado rin ang suplay ng kuryente at mahina o pawala-wala ang signal ng komunikasyon sa mga lugar na grabeng hinagupit ng bagyong Karen kabilang sa lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija.
- Latest