Sa pagtanggap ng drug money... de Lima, kagawad kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Kinasuhan sa tanggapan ng Ombudsman ni Albuera Police Chief Inspector Jove Espenido si Senator Leila de Lima at kagawad ng Barangay Benolho ng bayan ng Albuera dahilan sa umanoy pagtanggap ng drug money.
Sa complaint affidavit ni Espinido na tumanggap si De Lima at kagawad ng payola mula sa umanoy Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ang imbestigasyon ay nagbunsod nang pagkadiskubre sa iba’t ibang mga personalities na umanoy tumatanggap ng payola mula kay Kerwin na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya.
Anya, ang pagtanggap ni De Lima ng drug money ay kinumpirma ng mismong ama ni Kerwin na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., na nakakulong na ngayon dahil sa kaso sa droga at dating security guard at driver na si Marcelo Adorco.
Sa affidavit pa ni Espinido ay sinabi umano ni Adorco na nakipagkita siya noon kay De Lima sa Baguio City noong buwan ng Marso at nagpunta sa Burnham Park para sa isang photo session.
Sinabi rin ng kapatid ni Kerwin na si Roland Kevin Espinosa na siya at kapatid na si Kerwin ay nakipagkita kay De Lima sa isang dinner sa Dampa restaurant noon ding Marso para sabihin na tutulungan nila ang nooy Kalihim ng Department of Justice sa kampanya para sa May 2016 senatorial elections.
Sinabi umano ni Roland Kevin Espinosa na iniabot pa umano niya ang dalawang bag na naglalaman ang bawat isa ng P4 milyon halaga ng cash sa dating driver at bagman umano ni De Lima na si Ronnie Dayan.
Ang kinasuhang kagawad ay ang pinagkatiwalaang tauhan ni Kerwin na tumutulong na magdala ng shabu mula Maynila papuntang Albuera, Leyte.
Magugunita na nang kinasuhan si De Lima ng Volunteers Against Crime and Corruption sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng umanoy pagkakasangkot nito sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Itininanggi naman ng senadora ang mga bintang at nagsabing walang katotohanan na gawa- gawa lamang umano ng kanyang mga kalaban.
- Latest