^

Police Metro

P7.5-M ecstasy nasabat sa Manila Post Office

Doris Franche-Borja at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot sa P7.5 milyon ang nasabat na ecstasy ng mga tauhan  ng Bureau  of Customs  sa Manila Central Post Office sa isinagawang operation.

Nasa 5,000 piraso ng ecstasy  mula Netherlands at amphetamine  na nakalagay sa tatlong package ang nakumpiska  ng mga otoridad na ang isa ay nakapa­ngalan kay “Don Arnold”  at ang dalawa kay  “Martin Domingo”.  Ayon  kay Deputy Commissioner BOC Arnel Alcaraz, kadalasang umoorder online ang mga drug syndicate gamit ang fake identity at ‘bitcoints’ bilang pambayad. Ang Bitcoin ay isang open source software na binuo noong 2009 na may nakalagay na hanay na mga panuntunan kung papano pinoproseso ang isang transaksyon.  Naging popular ito bilang isang peer-to-peer payment system para sa online shopping dahil mas mura at ligtas para sa mamimili at mangangalakal.

Patuloy na magsasagawa ang BOC ng malalim na pagsisiyasat  upang matukoy  and sinumang  indibidwal na sangkot.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with