Ginang dinos-por-dos ng lover
MANILA, Philippines - Basag ang ulo ng isang 31-anyos na ginang matapos na siya ay hambalusin ng dos por dos ng kanyang selosong lover naganap kahapon ng madaling araw sa Manzano Village, Purok Concepcion, Brgy. 5, Banga, South Cotabato.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Hazel Jane Mayo Garpao, 31, residente ng nasabing lugar. Habang ang suspek na tumakas ay ang lover nitong si Rodelio Bigno Manzano, 30, obrero.
Sa imbestigasyon ni PO2 Laila Vencer, bago naganap ang krimen dakong alas-3:00 ng madaling araw ay nakarinig ang kapitbahay na si Rommel Manzano, ng sigaw mula sa tinutuluyan ng maglive-in.
Kaya’t nang puntahan niya ito ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay habang ang suspek ay nakita nitong tumatakas.
Isinugod niya ito sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest