6 pulis sa EPD sangkot sa droga
MANILA, Philippines – Under surveillance umano ang anim na pulis mula sa Eastern Police District (EPD) kaugnay ng pagkakasangkot sa pagbibigay proteksyon at pagtutulak ng droga.
Ito ang sinabi kahapon ni EPD Director P/Sr.Supt. Romeo Sapitula sa pagbisita nito sa Camp Crame kaugnay ng progreso ng Oplan Double Barrel na tutuldok sa problema sa droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Tumanggi muna si Sapitula na tukuyin ang pagkakakilanlan sa nasabing mga pulis na may ranggong PO1 hanggang PO2 dahilan patuloy pa ang pangangalap ng ebidensya laban sa mga ito.
Apat namang pulis na self confessed drug users ang sumuko sa kaniyang tanggapan na may ranggong PO1 hanggang PO3 at ngayo’y kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitation program sa ilalim ng Oplan Kalinga ng EPD.
Samantala, isinalang na rin sa summary dismissal ang dalawang pulis na nagpositibo sa droga sa EPD mula sa kabuuang mahigit 2,700 pulis na isinalang sa drug test.
- Latest