Pangingisda sa Scarborough Shoal, bawal muna
MANILA, Philippines – Dahilan sa tensiyon, nagbabala si Zambales Governor Atty. Amor Deloso sa 3,000 mangingisda na bawal muna ang mangisda sa Scarborough Shoal na inaangkin din ng China.
Ito’y sa kabila ng pumabor ang desisyon ng Arbitration Court sa The Hague, Netherlands sa Pilipinas bilang siyang may hurisdiksyon sa malaking bahagi ng West Philippine Sea (South China Sea).
“As governor of the province, wala po ako magagawa because it is beyond my domain… because wala kaming armas dito,” sinabi ni Deloso nang tanungin ng PM tungkol sa plano ng pamahalaang panglalawigan matapos ang desisyon ng korte.
Sinabi pa ni Deloso na bagamat sa ngayon ay wala pang ginagawang anumang hakbangin ang China laban sa desisyon ng arbitral tribunal, dapat pa ring ikonsidera na Zambales ang pinakamadaling gawing target ng mga Intsik.
Nabatid na ayaw pa ring tumanggap ng pagkatalo ng China na iginigiit na pagmamay-ari ng kanilang bansa ang isang 500-ektaryang isla sa Zambales, na rito sinasabing nakaistasyon ang isang missile.
- Latest