Sen. Gatchalian atbp kinasuhan
MANILA, Philippines – Kaugnay sa umano’y maanomalyang bank deal noong taong 2009 ay sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si incoming Senator Sherwin Gatchalian at mga dating matataas na opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at Express Savings Bank Inc. (ESBI)
Tatlong bilang ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), tatlong bilang ng malversation, at paglabag sa Republic Act No. 8791 (General Banking Law of 2000) at sa manual ng Regulation for Banks ang isnampa laban sa mga sumusunod na opisyal:
Dating LWUA officials Prospero Pichay Jr., Eduardo Bangayan, Aurelio Puentevella, Enrique Senen Montilla III, Wilfredo Feleo, Daniel Landingin, Arnaldo Espinas;
Gayundin si Gatchalian at mga kasamahan nitong opisyal ng WGI na sina Dee Hua Gatchalian, William Gatchalian, Elvira Ting, Kenneth Gatchalian at Yolanda Dela Cruz;
FPI executives Peter Salud, Geronimo Velasco, Jr., Weslie Gatchalian, Rogelio Garcia, Lamberto Mercado, Jr., Evelyn dela Rosa, Arthur Ponsaran, at Joaquin Obieta; ESBI executives George Chua, Gregorio Ipong, Generoso Tulagan, Wilfred Billena at Edita Bueno.
May kaugnayan ang mga kaso sa pag-acquire ng LWUA sa ESBI na local bank sa Laguna at pag-aari ng mga Gatchalian, FPI at WGI.
- Latest