Driver dedo sa salpok ng traktora
MANILA, Philippines – Idineklarang dead-on-arrival ang isang 36-anyos na mister matapos na sumalpok ang minamaneho nitong owner type jeep sa isang traktora kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Diversion Road ng Epza Bacao, Brgy. 2, General Trias City, Cavite.
Ang nasawi ay kinilalang si Primitivo Cadelina, may- asawa, residente ng 102 B-III, Fort Bonifacio, Makati City.
Nasa kostudya ng pulisya ang driver ng traktora na si Vincent Rojas, 34, may-asawa, residente ng Blk 24, Lot 6, South Villa Guada, Trece Martirez City, Cavite.
Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang owner type jeep (DSF-147) at binabaybay ang nasabing highway nang hindi umano napansin nito ang papalabas na traktora (DSF-147) mula sa isang gasolinahan at bumangga ito.
Sa lakas nang pagkakabangga ay naipit ang biktima at tumagal ng ilang oras bago naialis sa pagkakaipit at dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest