IT experts vs online pornography
MANILA, Philippines - Upang matigil na ang talamak na “child web pornography” sa bansa ay hiniling ng Simbahan ang tulong ng mga IT o information technology experts na gumawa ng mga hakbang.
Ayon kay Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta, tungkulin ng mga internet provider na tiyakin ang seguridad lalo na ng mga bata na biktima ng “child slavery” o live sex online para sa mga pedopilyang dayuhan.
Iginiit ni Archbishop Peralta na inaabuso na ng mamamayan ang kanilang kalayaan sa paggamit ng internet hanggang sa puntong naisasakripisyo na ng ilang magulang ang dangal ng kanilang mga musmos na anak.
Tiniyak ni Archbishop Peralta na suportado ng Simbahan ang aumang aksyon upang matigil na ang laganap na “child pornograpahy” sa bansa upang maisalba ang buhay at kinabukasan ng mga batang biktima nito.
Batay sa ulat ng UNICEF Philippines nasa 7,000 cybercrime reports kada buwan ang kanilang natatanggap at kalahati sa mga ito ay may kinakalaman sa child sex abuse na may edad anim na taong gulang pataas.
- Latest