Ikatlong barko na donasyon ng US dumating na
MANILA, Philippines - Ngayong araw ay darating sa Manila Bay ang ikatlong barko na donasyon ng Estados Unidos sa pamahalaan kaugnay ng maigting na alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Commander Ed Lincuna, Public Affairs Office Director ng Philippine Navy na ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Gregorio Velasquez (AGR 702) ay dadaong sa Manila Bay matapos ang 45 araw na paglalayag sa karagatan galing Estados Unidos.
Ang AGR 702 dating USS Melville ay dating research ship ng US Navy ang ikatlong barko na donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas sa ilalim ng Excess Defense Article (EDA) program.
Magugunita na una nang ipinangako ni US President Barack Obama noong Nobyembre sa pagbisita nito sa bansa matapos na dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit noong Nobyembre 2015 na magdodonasyon ang pamahalaan ng Amerika ng tatlong barko sa Pilipinas.
- Latest