House ‘super majority’ suportado si Duterte
MANILA, Philippines – Sinigurado ng “super majority” sa House of Representatives ang pagsuporta nila kay President-elect Rodrigo Duterte upang itulak ang mga agenda nito.
Mahigit 200 mambabatas ang pumirma ng kanilang suporta kay Duterte kabilang ang mga miyembro ni outgoing President Benigno Aquino sa Liberal Party (LP) at isa na rito si outgoing Speaker Feliciano Belmonte na nagsabi na makukuha ng pinili ni Duterte na ang speakership sa katauhan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.
Magsisimula ang six-year term ni Dutete sa June 30, na kung saan ay itutulak nito federal form of government, ang pagbabalik ng death penalty at pagbaba sa edad ng mga kabataan na nasasangkot sa kriminalidad.
Ayon kay Alvarez sa suporta ni Speaker Belmonte, ay magkakaroon ng super majority ang House.
Kasama sa coalition ang paetido ng nakakulong na si ex-president Gloria Arroyo na Lakas, National Unity Party (NPC), Nationalist People’s Coaliton ni Eduardo Cojuangco at Nacionalista Party ni dating Sen. Manuel Villar.
Maging ang mga nasa Makabayan bloc at iba pang party-list lawmakers ay kinakausap na.
- Latest