Duterte ipinakilala sa media ang kanyang Gabinete
MANILA, Philippines – Ipinakilala kahapon ni President-elect Rodrigo Duterte sa media ang mga magiging miyembro ng Gabinete sa Presidential resthouse sa Davao City o mas kilala bilang Malacañang in the South.
Kabilang sa magiging cabinet men ni President Duterte ay ang kanyang Executive Secretary na si Atty. Salvador Medialdea Jr., dating Maribojoc, Bohol Mayor Leoncio Evasco Jr., bilang kanyang Secretary to the Cabinet, dating SEC chief Perfecto Yasay Jr. bilang kanyang Foreign Affairs chief, Atty. Arthur Tugade bilang DOTC secretary, Jess Dureza bilang Presidential Peace Adviser, 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III bilang Labor Secretary, dating National Treasurer Leonor Briones bilang DepEd Chief, dating Estrada cabinet Benjamin Diokno bilang Budget Secretary, dating Partylist Rep. Rafael Mariano bilang DAR Chief, UP Prof. Judy Taguwalo bilang DSWD Secretary.
Naroroon din sina UP professor Ernesto Peria bilang NEDA Chief, dating AFP chief Hermogenes Esperon bilang National Security Adviser, dating Immigration chief Andrea Domingo bilang Pagcor chief, dating North Cotobato Gov. Emmanuel Pinol bilang Agriculture secretary, Las Pinas City Rep. Mark Villar bilang DPWH chief, Atty. Vitallano Aguirre bilang justice secretary, businessman at classmate ni Duterte na si Carlos Dominguez bilang Finance Chief, Atty. Salvador Panelo bilang Presidential spokesman at Press Secretary, Gen. Ricardo Visaya bilang AFP chief, Chief Supt. Ronald Dela Rosa, bilang PNP chief, retired PNP official Isidro Laperal bilang PDEA chief, dating MIAA chief Alfonso Cusi bilang Energy Chief, Mike Sueno bilang DILG chief, retired Maj. Gen.Delfin Lorenzana bilang DND chief, Jaime Morente bilang Immigration Chief, Ex-Davao City police chief Catalino Cuy ay itinalaga bilang DILG undersecretary; Atty. Jose Calida bilang Solicitor-General; NBI Director naman si Region 11 director Dante Gierran; Atty. Martin Delfin sa LTFRB; Fortunato Dela Peña bilang DOST chief.
Wala pang napipisil si Duterte na mamuno sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa maselan ito at hindi niya puwedeng ibigay sa CPP-NPA habang wala pang napipisil sa LTO, Bureau of Customs at BIR.
Sinabi naman ng Executive Assistant ni Duterte na si Christopher Go,baka humawak ng posisyon sa gabinete ni President Duterte pansamantala.
- Latest